Wednesday, February 28, 2018

2.28.18

11:30 am

I can't sleep.. I'm feeling so stressed... yun lang

I must sleep . hayst, I'll be fine and I'll be over this

Good night.

Saturday, February 3, 2018

3 Feb 18

What?

Wala naman, feeling ko lang kelangan kong magsulat... nakakalimutan ko ng gawin yung mga ganto... Eh kase naman, wala na akong masabi...

So musta yung araw mo? 

Ako? It's typical, dull, busy and I feel like I'll be sick, but I won't.

Sabi ko nga, been busy at work... Done revising the schedule of the Building 6, kahit pa ramdam kong di rin naman masusunod yun, haha.. sorry Nega nanaman... Eh kase, can't count how many times I did revise the CashFlow of this and that...

Then the salary of the workers... Can't detail it.. basta nastressed ako pano matatransfer yung pera from one account to another, online... kase di kami makapag over the counter and all... ayoko naman masyadong magrely online... baka pati account ko eh masangkot sa mga unauthorized withdrawals.. haha.. praning ba? Naninigurado lang...

Watched that Jollibee short story advertisement, nakakatouched, nakakapanlumong bat sila lang may lovelife.. haha.. charot lang..  Just like what I told an officemate last night at Burger King, okay lang naman sana maging single for life... nakakainis lang yung mga chakang taong nagpaparamdam saken na di okay yun.. hahahha.. eh anong gagawin ko? ... magpost na "wanted husband???".. di na ui! Baka masaktan lang akong, walang magpresinta.. hahaha... di wag!

Dapat 4pm lang ako kanina, out nako sa office... eh kaya lang.. Crabs yung ulam namin sa  Dinner.. so instead sa labas na ako kakain, alas kwatro pa lang nagdinner na ako sa office... haha... Thank God for that dinner , sarap eh.. lam mo naman favorite ko yun... kaya lang gutom na ako ngayon .. alas onse na .. 

So 5pm na kanina.. I went straight to San Pedro street, at Unitop and Uni City.. My sister asking me to look for giveaways para sa Aquiqa nung pamangkin ko... may nakita naman ako, I bought samples and sent it to my sister, hanggang ngayon wala pa syang comment..

Then I went home, bought an ice cream, naubos ko mag isa, pero gutom na rin ako ngayon.. nasabi ko na diba?

I watched PGT, walang nakakaiyak dun pero, twice tumulo yung luha ko... ang babaw ko na ngayon.. sign of aging.. naawa kase ako dun sa Mamang contestant, yung kumanta habang nagjajackstone, at tsaka yung block mother ba yun? Naiyak ako kase wala syang talent, haha... hindi, naawa ako kase parang lam mo yun, gusto nyang magpakitang gilas, pero puro NO sya..

MMK na kaya lang lovestory yun, naku! Ayoko na ng mga ganyan, baka maiyak nanaman ako. Haha.. so, I pulled out my USB, meron pala akong kopya ng Kingsman 2... naenjoy ko naman...

So, eto matutulog na ako dapat... hinihintay ko magmessage si Teh, pero abah, masyado atang naoverwhelmed sa lovelife nya, nakalimutan na ako.. haha... ganon naman talaga... lahat sila makakalimutan ka pag masaya na sila... hahahha... charot lang... ayoko na sya abalahin, moment nya 'to...magpapakilljoy pa ba ako sa kanya?? pinakahihintay nyo nya 'to.. kaya Teh, push mo lang... keri ko namang walang kausap, kausap ko pala yung blogger.ko... ai ayun, kaya pala ako nagsusulat ngayon, wala akong makausap.. haha... 

Amazing, kala ko wala akong masasabi...  sige Good Night na!!! :)

Ai teka lang, yung selfie ko pala.. para makompleto ang ka O.Ahan na to... haha.. tulad na Mt. Mayon, yung taghiyawat ko sa ilong, nag aalburuto din...