Wednesday, January 28, 2015

ALL OUT WAR?? DUH??

THOUGHTS OF THE DAY:

There were too many allegations and conclusions as to what happened on the recent bloodbath at Mindanao.. the other side says that Peace process or yung  Bangsa Moro Basic law is a crap... na hindi naman nagcocooperate yung mga MILF and BIFF... that they can't be trusted.. na kesyo magugulo talaga yung mga Muslims..

Yung ibang side naman ang sabi, may sumasabutahe sa peace process, na somebody put those SAF in that place to serve as bait and get slaughtered, para na rin masira relation ng Govt at Bangsamoro, or posibleng dahil dun sa million dollars na reward para mahuli yung mga wanted na sinasabing nasa lugar na yun... I've learned that these policemen who attacked the place came from other region.. so, ano yun? Oo sila yung umatake... at bilang inatake, hindi ka ba lalaban???  Or sabihin na nating may secret operation sila, bat nila ipapaalam?? Pero diba nga may cease fire?? Nasan na ang coordination? Siguro para sa iba nonsense yun.. siguro nga.. but look at it this way, if you are being attacked at your own territory, what would be your initial reaction? You'd fight for it diba? May time kapa bang alamin sino sumusugod sayo??

Bangsamoro people wanted to attain this peace agreement, bakit sila gagawa ng ikakasira nito?? Don't get me wrong, don't get me biased... I'm just weighing things too...  wala akong pinapanigan, hindi ko rin masasabing magiging effective tlaga yung BBL pag naimplement.. but its been decades na yung conflict, it's worth the try naman siguro. Kung kinakatakot nila na baka lumustay ang government ng pera para dito... ano naman ang tawag mo dun sa mismong nasa government na ninanakaw yung mga pera ng taong bayan???

This incident really saddened me, my sincerest sympathy to those who died and to their families,  both sides at dun sa mga sibilyan na nadamay na rin, yung mga police na intension gawin yung alam nilang trabaho nila, na sumunod lang sa order ng nakakataas sa kanila, but unfortunately, naipit sila, at hindi sana nangyari yun... pero kahit hindi natin gusto, getting killed in a battlefield is likely a part if their job.  And if its true that these men were killed mercilessly, then in behalf of these Moro people, I feel really sorry, its something I didn't want to happen..

I don't wanna say much kase wala naman ako alam..nakadepende pa rin ako sa mga naririnig ko at nababasa ko.. pero  one thing I am sure of... I still agree that the peace process o yung BBL e isakatuparan, hindi naman yun para sa mga rebelde kundi para sa mga Muslim Group na kelangan mastrengthen at mas marealize pa yung kung anong meron at dapat sa religion at culture nila.. as we are all aware of, Muslims in the Philippines are being discriminated. Tsaka why these people are so threatened with this agreement?? Agreement nga diba? Kung di magwork out, e di hanapan ulit ng solusyon?? They shouldn't stop looking for possible ways to attain peace... 44 na namatay grabe na reactions nila, pano na lang pag may all out war na..??? Isipin mo na lang effect non... I may not know too much pero yung mentality ng mga tao e hindi dahil sa religion nila kundi pano sila bilang tao... Nakakainis lang minsan na kung ano yung mali ng isang tao e nirerelate agad sa religion.... sigurado akong walang religion ang hangad ay kasamaan.

At eto pang mas nakakainis... yung mga tao! Lalo na yung hindi alam ano nangyayari sa Mindanao... yung tipong galit na galit kay PNoy kase hindi ibinasura yung peace process..  ano gusto nila? ALL OUT WAR? Alam ba nila effect non? Sila kaya ang maipit sa all out war na yan... kahit ubusin nila lahat ng MILF at BIFF sa Mindanao, tatatak pa rin sa mga taong maiiwan nila ang madugong maidudulot ng all out war na yan... Ex president Erap did this once, nagtagumpay nga ba talaga sya?? If so, why are there clashes such as this up to now? Walang panalo sa all out war...

Anyway, sana nga masolusyunan na yung problema at malinawan na yung case ng bloodbath na yun... we all want peace here! Para dun sa mga taong kung makapagcomment ng mga kung anu ano sa desisyon ni Pnoy (na ituloy pa rin ang agreement),  sila na lang kay mag Presidente.. ??!! Haha.. peace nga pala! hindi naman ako makaPnoy ha... pero kaya rin siguro hindi umuunlad ang Pilipinas, hindi lang purely dahil sa governance,  dahil sa mentality ng mga Pilipino.. may mga nagsabi na nagkamali sila sa pagboto kay Pnoy, ibalik na lang si erap sa pwesto, so sinasabi ba nilang nagkamali din sila sa pag impeached kay erap??  yung iba ang sabi sana si Marcos na lang ulit , nagkamali din ba sila sa pagkakaron ng Edsa People Power??? Ewan ko sa kanila!  Hayst.. nakakastress naman kase talaga yung mga comments ng iba.. kung makasuggest ng all out war, ang lalakas ng loob, parang sila yung sasabak sa gyera! So disappointing!

I hope this wont end up with clash of religions... two of these killed policemen were also Muslims... and as I've heard, there were also casualties on the MILF side.

Sana mangibabaw pa rin yung mga taong matino mag-isip!


God bless Mindanao, God Bless the Philippines.

No comments:

Post a Comment