Sabi mo wag kitang batiin sa facebook kaya dito na lang. Alam ko tamad ka magbasa, pero wala kang choice kundi basahin to...(basahin mo!!! Masasayang effort ko. Haha)
Dahil birthday mo, you deserve to know some things that I don't tell you everyday, kahit na alam mo naman siguro..
I want you to know that I am thankful we became friends, you are someone I never thought I would be comfortable with.. kase naman magkaiba tayo ng status sa buhay, iba yung mga paniniwala mo, ang ingay ingay mo at ang tahimik ko, medyo mahiyain ako medyo makapal yung face mo ahahaha, madrama ako ikaw hindi, ako tinutupad ko yung mga sinasabi ko ikaw you keep on changing your mind gaya ngayon sabi mo magpapakita ka di naman pala! Hmp! , may mga bagay na okay lang sa akin pero hindi okay sayo and vice versa! You know how annoying you are kapag mga ganong times! Kapag inaasar mo ako or iniinsist mo yung gusto mo, yung sinasamahan kita magpaikot ikot sa Mall pero wala ka naman palang bibilhin Haha.. lalo na kapag sinasabi mong dapat ganito ako, dapat ganon... and blah blah blah... oo, you're so annoying sometimes, hahaha, but that tested our friendship.. ayos lang, dimo na kailangan baguhin yun, tanggap ko ng ganon ka, basta wag madalas ha, naiirita din ako... hehe.. at the end of the day, despite our differences, we still managed to keep our friendship alive, chos! alam ko kahit medyo iba yung response ko minsan, I'm still aware that you just want the best for me in your own way.. At kahit nasa ibang project kana.. dimo pa rin ako nakakalimutang kumustahin.. ahaha.. and I thank you for that.... salamat sa mga advices mo, at sa mga reminders mo... salamat din sa pagtyatyaga sa kaartehan ko, lam mo namang sa inyo ko lang ginagawa yun.
You know what I admire about you?? The way how you balance things, how you value your family and your job at the same time. You may never handle things perfectly at may kung anu ano pang intriga, lam mo na hehe, you still get yourself composed and unaffected... keep that up!
Madam Marj, keep safe always! Kayo ni buchuchay! Wag masyado magdiet kase wala namang effect haha! Stay happy always. Once again, thank you for being there, you may not be a perfect friend, wala naman kasing perfect, all I want from you is to be true, and I know you are....
If you need a friend, andito lang ako... mamimiss kita, lipat staff house kana, magleleave ka pa.. HAPPY BIRTHDAY! I love you! mwahhhh! Hehe
Here's my most favorite photos of you... ganda mo jan ah! Hehe
Favorite ko rin to! Jayden, ikaw ba yan?
At eto pang mga pictures na to:
Yung mga moments na busy ako sa area ko at bigla na lang susulpot.. manggugulo, iinumin ang kape ko at mag-aaya umuwi kahit dipa ako tapos magtrabaho.
Pero isipin mo yun? Kahit busy ako, nakukuha pa rin natin magselfie??? Haha
Yung mga food trip natin na minsan napapawaldas tayo .. haha..
Salamat sa pagpipigil nyong wag umorder ng pork kase kasama nyo ko.
Eto yung nagulat tayo sa bill natin, napilitan akong gamitin yung credit card ko kase nadecline yung sayo kase expired naman pala! Haha
Salamat sa pagsama mo saken sa mga unlimited kainan pag gustong kong kumain ng marami dahil depress depresan ako.. nasisira ko diet mo! Haha
At marami pang iba.. nakakapagod magcaption.. alalahanin mo na lang kung saan saan at kelan tong mga to.
Ayun lang.. marami pang iba kaso nakakapagod din magcompile ! .. ang o.a ko noh?? Eto rin pagkakaiba natin, ang galing ko sa gantong kacornihan, ikaw hindi, yung letter na ginawa mo saken, 10.5 years mo ata bago natapos . haha..
Anyway, napahaba pa to, baka nakatulog kana... yun nga, dahil di ka nagpakita sa araw na to, yung gift ko sayo kay Lee ko na lang ibibigay . Haha... joke! Sige happy bday ulit!
No comments:
Post a Comment