Thursday, April 16, 2015

Today's Talking to Myself

Madalas ko naman gawin to e, ang maging parang baliw lang , este ang kausapin ang sarili ko.. minsan effective din naman to, nakakabawas ng problema.. gaya ng mga bagay na iniisip ko today... gaya ng mga sumusunod:

Ako: Naiinis ako kase bakit kelangang mangyari yung sunog sa basement 4.. ayan tuloy para kaming kawawa, evacuees sa basement1. araw araw ko pa tuloy bitbit yung mga petty cash.

sagot: Wag ka ng mainis, damaged has been done.. yung mga matatanda  nga na nasa staffhouse, kelangan na tuloy nila mag uwian everyday.. mas matindi problema nila sayo. Wag ka ng mag-inarte kong kelangan nyo nanamang maglinis ng mas masahol pa nung pinapaliitan yung office nyo.. wag kang tamad, wag kang maarte... minsan magmukha ka namang uling. Haha.. para maranaasan mo naman ang  trabaho ng mga nasa ulingan.. haha.. Ganon talaga ang buhay, may mga pangyayaring di inaasahan.

ako: naiinis ako kase habang busy ako sa kagagawa ng cost report kanina dun sa hindi comfortable na area na yun, yung iba walang magawa... yung iba sadyang walang ginagawa.

sagot: hayaan mo sila..hindi kase nila kayang gawin yung cost report, kaya ikaw na. Haha.. at mas nakakabagot kaya ang walang ginagawa.. can't you feel your self importance???

Ako: naiinis ako kase feeling ko nagkulang akong supervisor dun sa QS ko kaya hindi sya productive.

Sagot: Ayan ka nanaman.. wag mo sya problemahin.. sya ang may problema sa  sarili nya. Wala talagang syang sense of whatever you call it.. hehe..ayos lang.. pinapalitan mo naman sya diba? You both deserve that decision.. hayaan mo na sya. Bahala sya sa buhay nya.. chill ka lang!

Ako:  Naiinis ako kase di matapos tapos yung project namin at kelan ba talaga ako magreresign..

sagot: hahahha... oo.. pag dimo alam. Tawanan mo lamg.

ako: Naiinis ako.. kase ang haggard haggard ko.. ang dami ko na ulit pimples.

sagot:
Oo, yan ang sagot. Magselfie ka.. harapin ang katotohanan. Ahaha

good night na. Itigil na ang kabaduyang ito.


No comments:

Post a Comment