Friday, February 26, 2016

The Annoyed Girl... is Me!

I thought I am.. or maybe I'm just trying to be nice..  but there are times that I couldn't help it but be bad when I'm annoyed..

I'm sorry for what I'm about to say.. gusto ko lang magcomment sa mga nag p-PDA na sakay ng jeep!! Haha.. This is a normal scenario I can encounter everytime i commute.. mga lovers sa jeep na kung makapag Public Display of Affection eh wagas.. pero yung kanina is the most irritating couple I saw.. kissing and hugging and making whatever annoying scene as if no one's around... alam mo yun? Kahit wala naman sila ginagawa sayo, naiinis ka sa kanila... parang gusto mong magburst out at ipagsigawan na "...oi, kayong dalawa!!! Get a room!! Nakakawalang gana kayo! Ang traffic na nga, dumadagdag pa kayo sa di kaaya ayang tanawin! Umiinit ang dugo ko sa inyo... errr!"...

Pero naisip ko rin pag sinabi ko yun, eto reply nila sa aken... "oi, ikaw, magtaxi ka! Bumili ka ng sasakyan mo.. sayo ba tong jeep?!! Bitter ka ba teh.. ingit ka lang teh, kase wala kang lovelife''!!..

Hahaha... tapos pag sinabi nya yun.. sasapakin ko sya!! Hahahha.. joke... I've never sapak anyone in my entire life baka ngayon pa lang... pero dapat kasama ko si Margaux.. I need a shield.. haha.. kaya ko lang naman magmaldita sa mga strangers pag anjan sya.. hahahaha

Anyway... meron namang couple na maayos tingnan... yung di kailangan ipangalandakan sa madlang people na lovers sila.. kasi nakakairita.. nakakaturn off.. hindi ako bitter, sounds like lang. Haha... pero if in case, ako? Ayoko ng ganon.. yung tama lang.. siguro sasabihin mong kaya nga wala ka non kase wala akong kasweetness sweetness na taglay... e d wala! Haha.. basta.. sana hindi ako maging ganon... ayos lang naman yung, "you and I against the world, wala  akong pakialam sa sasabihin nyo.. basta masaya kami"... ayos lang naman yun, kaya lang utang na loob naman... wag yung sobrang o.a...

Wala sanang lumalagpas sa dapat babaan  sa sobrang annoyance.. oo, dahil sobrang nairita ako.. nakalimutan ko bumaba ng jeepney.. as in sobrang lagpas na.. sobrang ang layo na ng narating nung jeep bago ko narealize na lagpas na!! I had to take back another jeepney...

Kaya kayong mga o.a sa pag pi PDA.. konting delikadesa naman.. hahaha.. sorry ha.. tao lang ako.. I'm being pissed off sometimes. :)

No comments:

Post a Comment