Friday, April 22, 2016

wag pansinin ang blog na to.. ang corny, alang kwenta!

I was tuning at Spotify when this song played... sabi ko? Parang ako lang nagsulat nito oh.. hahaha... 


So, hindi lang saken galit ang tadhana.. haha.. nice to know, di ako nag iisa..

Anyway, naiinis pa rin ako kay WJL.. kase ang arte pa rin.. ngiti ng ngiti kung saan saan (kahit wala namang dapat ikangiti), kung sino sino ang pinapansin.. bat ako ayaw nyang pansinin?? Alam mo yun.. minsan nakangiti sya.. di naman nakaderekta saken.. baliw ba yun? Haha.. I'm trying to be brave na... kase I'm running out of time na.. wala naman akong gustong mangyari.. gusto ko lang sya makilala ... gusto ko lang syang maging bahagi ng alaala ko.. di naman ako masyadong demanding diba?  Saglit lang naman.. haha.. lam mo yung madalas naman magsalubong yung tingin nyo (ew, nadidiri ako sa sinasabi ko haha).. tapos nung malakas na loob kong ngitian sya... umiwas naman ng tingin .. bweset naman! Napahiya yung smile ko.. haha! arte nya ah...  hmmpp..mamimiss nya rin ako.. pagsisisihan din nyang nag iinarte sya.. haha.. jokes..hmmmm... meron na kaya syang lovelife? Ni hindi ko alam yun.. pero sana malaman ko.. madali lang naman ako mafall out pag taken na yung tao... yung tipong, kung iba gusto nya.. e d dun sya... hahaha.. yun lang yung tanging paraan para malimot ko sya.. ang malaman kung may lovelife na sya.. lam mo naman di ako relationship wrecker.. dahil ayokong mangyari saken yung ganon...

Yun lang.. sabi na sayo alang kwenta ang blog na to..haha.. Diko kase sya makausap.. ikaw na lang sinabihan ko. Haha.. malilimot ko rin sya...

GOOD NIGHT..

No comments:

Post a Comment