Sunday, May 29, 2016

28th of May (pero na 29 na ngayon)

The OJT's  (On the Job Training Students) were taking a lot of pictures today...  so this was kinda nahagip lang ako..  anyway, di naman ako yung issue but my messy table... last two days ko na sa present company ko pero ganto pa rin kagulo yung table ko?? Hayst... mukhang maeextend talaga ako till the whole week next week( and that's unpaid!)... I have a reconciliation with accounting on Wednesday and turn over maybe Friday..hayst... yes na.. And I'm fixing the other files para di mahirapan yung iiwanan ko.. Naks! Ang dakila noh?? Ako na yung may "Malasakit" Haha... hindi naman sa ganon...ayoko lang maging irresponsible.. I hate it when people are being irresponsible.. bat ko naman gagawin yung mga bagay na alam kong pag sa aken ginawa eh maiinis ako... masyado rin kase akong naging busy kaya diko masyado natutukan ang turn over.. kelan ba akon hindi naging busy?



This was last night.. Because I'm counting the days...






Good night!

Monday, May 23, 2016

My Last 7 Days!

30th of May would be my last day at work and still at this very moment I'm a bit unsure if not extending was a right decision.... or maybe I'm just not used to refuse at some people's request.... but at some point, I'm proud of myself too... napanindigan ko desisyon ko.. Yey! :)

I'm gonna miss these people... that's the only thing that made this so tough for me... I used to think that I don't really worth anything that much, but knowing they wanted me to stay... that I matter  somehow... that they wanna be with me a bit longer are just the thoughts that make me think -- I do exist.. THANKS... So, though leaving breaks my heart, I can still feel that smile in my face somehow.. indeed my six years aren't that wasted... I have to go now.

By the way,  how I'd spend my last few days in Manila? Honestly, I'm still really busy, I don't wanna leave my task messed up... So there goes my proper turn over...

Explore Metro Manila??? I'm being attentive these few weeks..it's whether on a taxi, train, bus or jeepney... I looked at the window like I'm memorizing every details of the view..  and when it comes to people, I talked to them as if I won't be seeing them anymore, dramatic I know.. but shouldn't we be spending our everyday as if  it's our last??? ( a part of me is saying.. wag ka nga masyadong magdrama.. di ka pa madedeads! Haha.. but who knows??? Anong pinagsasabi ko??).

There were times in our lives where we put reservations, yung tipong akala mo may pagkakataon pa so you won't give your best shot, you missed to say the things you wished to say believing there are more chances... or you put aside the things you love kala mo may time pa... yun pala wala na, last mo na yun! .. hugot ba ito?? Basta..

I'm just facing a new chapter of my life, medyo doubtful and emotional lang... kaya medyo maarte..  pasensya na.

Tomorrow is my exit interview nga pala..  just wish me luck.. I may say the right words to say..

And G.O.T... that Hodor stuff as in (Hold the Door), I'm affected much! Hehe

GOOD NIGHT!


Sunday, May 22, 2016

22 May 2016

My day started with this selfie while waiting for my turn to take a bath.. yeah its filtered  para di masyadong halata yung nangingintab kong pagmumukha dahil kagigising ko lang.. haha!

So obviously, I slept over at Margaux's place because I so missed her fried chicken.. (thanks teh!)

Then at lunch,  I met an old friend belle at Ali Mall... while waiting for her, I decided to sing all by self at Timezone... annoying lang, may naglalampungang magjowa sa kabilang room (haha..bitter??).. di kase ako makapagconcentrate kumanta.. destructive sila.. haha... what's most annoying are those people na muntik ng pumasok sa cubicle ko kase akala walang tao... gusto kong sabihang,, "may tao oh.. mag isa nga lang ako, ano naman?? Kaya kong kumanta mag-isa.. pwede naman yun diba??!!!!". Haha.. just a little praning.. natatawa lang ako.. awkward ba talagang nag ta timezone mag isa?? Keber!! Pero nahiya din ako bigla.. so I went out, and had stayed at foodcourt, drafted that floor/elevation plan my father is requesting me to do long time ago na.. pasaway e.

So, there came Belle with her family.. we had chit chat... explained to her my reason for my resignation... blah blah blah tapos uwi na....

Tapos, inaantok na ako ngayon kaya kahit gusto ko pa magblog.. tatapusin ko na...

GOOD NIGHT!

Friday, May 20, 2016

20 ba ngayon?? or 21?

Bonding moment with these two because I've got few days left ..... then I don't know when will I see them again...

Anyway, I'm home.. minsan mabait din pala saken ang tadhana, the rain poured heavily when I got home.. wala kase akong dalang payong!!

Okay lang namang maulanan kung pauwi naman ako kaso I brought my things with me...

GOOD NIGHT!

Wednesday, May 18, 2016

18th of May :(

Hey... wala lang.. I think there's just a need for me to express how I've been feeling today..  Our Area Manager just had a closed door "talk" with me this morning... asking me seriously to extend my stay for about two months... It's been an  issue weeks ago but I just didn't take it seriously.. and at some corner of my mind... I was thinking of staying a bit longer... dahil gusto ko pa nga sila makasama sa konting panahon.. kase tingin ko, pag umaalis na ako.. baka di ko na sila makita pa ever.. chos! Pero oo nga.

Mabalik tayo sa usapan namin... honestly, as I entered his office, wala pa akong fixed na desisyon non... pero parang may nagsasabing panindigan ko na yung desisyon ko... and that's it.. I told him na kakayanin na naman siguro ng department ko na wala ako... na may mga bagay na di ko gustong gawin or labag sa kalooban ko kahit kelangang kelangan kaya aalis ako lalo nat magraramadan na... and blah blah blah... there... everything I've said implied that I can't stay anymore and he accepted that.. diko alam pero parang may mali... biglang doubtful ako sa desisyon ko... though the words came out from my lips had made the decision pero bakit naiiyak ako after that conversation??? !! Arte ko ah. Haha

Basta... ipapaDyos ko na lang to.. diko man alam ano plano ko.. bahala na Sya. May He blessed me with wisdom kung ano nararapat na gawin. Papaubaya ko na to sa Kanya..

I have to let go of what's bothering me the whole day.

GOOD NIGHT!

Sunday, May 15, 2016

Venice Grand Canal

Today, Margaux and I went to Venice Grand Canal.. it was not planned.. it just hit me this morning when I realized that I may not able have the time to visit it.




 

The place was nice.. though most of the stores are closed yet..

Then next stop: singing!! I missed singing.. haha



good night




Saturday, May 14, 2016

14th Of May

Bored!! And this explains this! Haha.. sorrey!!

When I got home this afternoon...  yung tanong mo sa sarili.. what now??  Nalulungkot pa rin ako.. haha.. kelan matatapos na to?? Sanay na sanay naman akong mag isa bat ngayon ang hirap na??? Darn that!! Yeah I'm being emotional this past few weeks... In few weeks, I'll be gone! I mean I'll bid good bye to the things I'm so used to... ang hirap pala talaga ng transition period... chos!

Wednesday, May 11, 2016

11 May 16

Now I'm torn between this:

And this:


                              -chris perry

Wala bang exception?? Baka may dahilan naman?? (----wala!!! Wag kang ano... tumatawad pa e.. sinabi ng ngang wag daw ijustify e Haha...)

Yeah I may not be able to control the first photo, lam na, di naman talaga makokontrol yung nararamdaman.... chos!!! Pero yung second photo, I need to pin that on my wall para kahit gaano pa katindi yung nararamdaman ko eh may pipigil pa rin sa actions ko... chos!!!

Good night!!

Sunday, May 8, 2016

8 May 16

9:06am

Still in bed... Though I've been awake an hour ago when my phone rung... I got a call from my mom asking me when I will be home... got no ticket yet.. she also asked where I would cast my vote... then I told her, di ako nakapagregister. haha.. don't be like me.. bakit kase may registration pa.. diba dapat once Filipino ko automatic na yun??

Anyway, who's your President?? Yung totoo, all of them have flaws naman..Pero Duterte pa rin naman ako.. for sure naman kahit sinong maging Presidente, magrereklamo pa rin mga taong bayan.. remember how Erap and Pnoy were adored by many nung time nila magcampaign?? Eh ano sila ngayon?? Si Binay, napalago ang Makati kaya magagawa raw nya sa Pilipinas yun... ngayon?? Asan sya?? This time, Davao naman for Duterte? I hope and pray it would be different this time. Siguro nga, I hate Duterte's aggressiveness at medyo rude kase sya... pero who knows?? Baka yung katulad nya magpapabago ng Pinas... bahala na.. God Bless the Philippines na lang.

Change topic! Kagabi pa ako feeling annoyed... and a little of that too this morning.. tinutoyo nanaman ako.. haha.. sign of aging... ayoko ng ng nag-iisa.. siguro dahil nasanay na ako sa staffhouse na may kasama... once na lang akong umuwi.. and my brother's always out... kaya nag iisa ako.. ramdam ko ang pagiging malungkot.. chos!! Hayst ayoko ng ganto..

Rise and shine na.. gutom na!

7:45pm
Enjoying watching Ismol Family... Nag-eenjoy kase akong panuorin si Mikael Daez.. He's so cute! Haha

10:10pm
Coke Light as well as Coke Zero don't taste like real Coke!! But I just really need something to drink...  Looking tired too...



 di ko alam bat lagi na lang ako feeling pagod kahit ala naman akong ginagawa.. Tingin ko nga panis laway today.. I haven't spoken to anyone.. except dun sa Ice Cream Vendor sa Robinsons.. haha.. I've been so alone the whole day.. manunuod sana ako ng Civil War.. pero medyo nawala ako sa mood.

11:35pm
Good Night!

Tuesday, May 3, 2016

Good luck saken

Tomorrow.. magsusupersaiyan ako.. haha.. I'll have to do something I don't want to... oo ayoko kong gawin yung magreport nang diko alam.. diko kabisado, di prepared, walang basis... at di ako confident.. ayokong magmukhang tanga... kaya lang kelangan daw???? Errrrr... E di bahala na si Goku.

Help me God.

GOOD NIGHT!

Monday, May 2, 2016

MAY 2 NAHH!!

Wala lang ang blog na to...  kakausapin ko lang sarili ko.. baliw baliwan? Haha

Yung random emotions lang today.

Yung Monday Morning sickness ko.. ganon pa rin.. pero di masyadong critical today.. dahil siguro sinusulit ko yung time... nakakatamad na pumasok.. nakakawalang gana... but I'm enduring it.

Si WJL... apat na araw ko na syang di nakikita.. asan ba sya?? Okay lang kaya sya?? 3 days na syang absent.. kahit nakakainis sya, nakakamiss rin.... ayoko na sana magsulat na kahit ano tungkol sa kanya kaya lang.. ayan na... nasulat ko na. Haha parang ang haba ng araw na to... nakakainip.. pero somehow.. ayoko naman agad mag May 30!! Malungkot din pala.

Oo ang lungkot din! Diko na maintidihan yung sarili ko... ikaw ba? Naiintindihan mo ba ako? :(

Anyway, kinukulit pa rin ako ni A.M mag-extend. Haysttttttt... ewan ko!!!!. Tsaka.. di naman cguro matutuwa ang lahat pag nag extend ako.. feeling ko di na rin ako productive.. praning din ako.. feeling ko may mga tao din na gusto na akong mawala.. tingin mo?? Wapakels anyway! ;)

Tapos kanina.. feeling ko ang bad ko.. kase may isang taong ayokong pakisamahan.. sorry na. Di lang ako komportable.. minsan naman pinipilit kong maging normal lang.. kaya lang minsan din mas malakas ang sumpong ng pagiging not-so-normal ko. ;(

Tapos... tapos na. Malungkot pa rin... pero ayos lang naman. Lilipas din to.

Good night!