Friday, November 21, 2014

isang extra ordinaryong blog

Ang blog na to ay para sa nag-iisang fan ko..para sayo to.. alam mo na kung sino ka kase ikaw lang naman ang nagbabasa ng blog ko sa pagkakaalam ko.. ahaha... diko alam bat natutuwa kang magbasa... kahit sabihin kong wag mong binabasa kapag diko pinapublish sa facebook.. sabi ko kase pag pinopost ko sa facebook, R-13 yun, pwedeng basahin ng lahat ng magkakamaling mapindot yung link.... the rest kase e rated X ahahaha.. kase madalas puro kaartehan lang naman yung laman nito.. minsan sama ng loob ko at bitterness ko... pero masaya naman pag naisusulat ko.. ahaha... walang pakialamanan.. kaya sayo dakilang tagahanga ko.. maraming salamat.. di mo ba ako bibigyan ng award?? Hehe...

Kumusta naman yung araw mo?? Pasensya na di muna ako mag eenglish ngayon kase baka dimo maintindihan.. ahaha.. joke lang.. mas magaling ka pa nga mag english saken e.. ako stock knowledge lang nung english 1, 2, 3 and 4 ko..  alam mo namang nakakabobo sa english yung engineering, or baka ako lang...  haha..

Nakakapagod yung araw na to... ang haggard ko na nga.. para nmang minsan hindi.. so ayun nga busy ako... kaya yun yung sagot ko sa tanong mo bakit di masyado ako nakakapagblog recently, di katulad nung dati kahit oras ng trabaho e nakakapagblog ako, kaya nga siguro nagresign yung dating QS ko.. haha.... pero dahil request mo to.. kahit antok na ako at tired much na, ginawa ko pa rin to.. para matuwa ka naman.. ahahaha!.. natutuwa ka ba??? Kahit sa gantong paraan man lang e mapangiti kita.. kaso yung susunod dito e maiirita ka kase ipopost ko tong selfie ko ngayon ngayon lang,  sorry.. kaso kelangan lang isingit to kase balak ko ng magpagupit ng hair (yung maiksing maiksi.. haha) kaya napagtripan ko yung buhok ko ngayon... haha.. remembrance kapag sumablay nanaman yung hair cut ko..


Naku... ang tagal naupload yung picture.. nakapaghilamos na ako, nakapagtoothbrush, nakakailang kanta na rin sa playlist ko.. dipa uploaded.. baka hindi lang tinatatanggap ng system.. akala siguro virus yung pagmumukha ko.. kanina pa sana tapos yung blog na to. Ahaha... isn't that annoying?? Haha... at some corner of my deepest soul eh annoyed din sa kaseselfie ko, akala ko siguro maganda tingnan.. ahaha... pero may kagandahang dulot din naman yan e... after 20 years, for sure we don't look the same.. at least you have something to tell or show the younger generation how you looked like when you're at their age... yun ay kung may blogger pa o kung uso pa fb that time, at kung buhay pa tayo.. hahaha..  kaya nga mahilig ako magdevelop ng pictures eh.. kahit old school na.

sige kelangan ko na matulog kase maaga pa ako bukas.. balak ko sana mag pa-late.. kaso tinext ako ng boss na agahan ko yung pasok kase may tatanong sya sa cost report namin! Nakakainis noh?? Haha.. kase naman di chinicheck ng maigi.. masyadong nagtiwala saken.. ahahah..

Muli.. maraming salamat sa pagtangkilik.. hehe.. sana lang dimo na pinagtutuunan ng pansin yung mga malulungkot at nakakasama ng damdamin na post ko.. para dika na mahawa... pero di pa rin kita pipigilan.. tibayan mo lang yung loob mo.. baka minsan mabasa mo na isa ka sa dahilan bakit masama ang loob ko.. ahahahahha... joke lang.. pero look at the brighter side of it, when someone made me feel bad, ibig sabihin you mean to me.. kase kung.hindi.. walang impact sa aken! Hahaha.. basta wag lang dalasan, baka mapagod ako... haha.. pero take note, di ako madaling mapagod, di nga ako napapagod mapagod e.. kahit durog na yung damdamin ko, (ang o.a  ko talaga) hahaha...   nga pala, maldita nga ba ako? Di naman diba?? Tama naman sila, may attitude problem din ako... pero mabait naman ako.. wahahaha... agree or agree?

anong oras na.. kelangan na matulog.. good night!

No comments:

Post a Comment