Saturday, December 13, 2014

12.13.14


TODAY: Yung totoo, wala ako sa mood magblog kaso sayang yung title.. its 12.13.14 pala ngayon.. haha.. Bago ko sana simulan ang blog na to eh makakain sana.. nagugutom ako!! Kaso, my ref is almost empty... haha... naggrocery naman ako kanina.. pero puro chips at chocolates naman binili ko... I had early dinner sa landmark, sabi ko magluluto na lang ako.. kaso sinumpong nanaman ako ng katamaran.... pagod lang ako! Sensya na kung natatamad ako.. hehe... so eto, kelangan magselfie kasama ang personal ref na to.. haha


Nabusy ako sa paggawa ng cost report.. natapos naman kaso wala yung magchecheck... kaya diko pa rin naipasa.. tapos, ano pa ba??? Wala na.. haha.. susulatan ko na nga lang yung soulmate ko.. wahaha

LETTER TO SOULMATE:

Alam mo ikaw! Nakakainis kana minsan, sana taga Pilipinas ka lang kase magtatagalog muna ako.. ahahah.. oo, nakakainis ka... kase sa kaibuturan ng aking puso eh ramdam kong di ka naman nag eexist... wala naman talagang ikaw! Wala namang soulmate soulmate... para lang yan sa mga hopeless romantic, para sa mga tanga.. ahaha! At yun ang nakakainis, nagiging tanga ako.. gusto ko pa ring maniwalang anjan ka lang.. 30 years na nga yung sinasayang ko sa pag aakalang merong ikaw.. pero sana nga anjan ka lang, hinihintay kita... pero ang hirap ko ring hanapin, lam mo ba yun?? Nasa maling lugar ata ako e.. wala ka naman dito e.. wala ka talaga ano? Hehe... yung totoo kase naniniwala ako na kahit di kita hanapin, eh magkikita pa rin tayo dahil yun ang tadhana natin... o diba? Ang tanga ko ulit? Haha.. ayos lang.. kesa naman mapunta ako sa walang kwentang tao.... minsan, feeling ko wala rin naman akong kwenta, kaya dapat may kwenta ka..hahahaha... joke lang... seryoso, di naman mataas ang standard ko gaya ng iniisip ng iba, din rin ako choosy, sino ba naman ako para magset ng standard?? Isa lang akong pangkaraniwang nilalang, walang super powers, ni hindi ako marunong mag ayos ng buhok or mag-make up.. maglipstick nga lang ako e, nagkakagulo na sila... walag sanay na makita akong nag-iinarte.. hehe.. maarte ako, pero hindi physically.. di rin ako marunong makitungo sa ibang tao.. di rin ako mahilig mamansin or magpapansin...  ayaw ko rin ng nililigawan ako.. ahaha... or baka kase ayaw ko rin dun sa mga nagtangka..kaya hindi ko na pinapatagal, pinaparamdam ko na lang or sinasabi ko ng deretso na ayaw ko.. arte noh? Gusto ko kase ikaw at ikaw lang talaga.. haha... Feeling ko kase pag dumating ka, alam ko na agad na ikaw yun.... ang haba pala ng nasulat ko sayo.... makakarating ba sayo to? Or pag nagkita tayo papabasa ko na lang yung mga sulat ko sayo kaso eh, baka wala naman talagang ikaw.. pero hayaan mo na ako maniniwala pa rin ako...  good night na sayo!

No comments:

Post a Comment