Saturday, May 10, 2014

Ika Sampu ng Mayo 2014

Hi diary, kumusta ka? Baka sabihin mo lagi na lang ako... haha.. para akong tanga noh? Sekreto lang natin to! Hehe.. pero salamat talaga, isa kang mabuting kaibigan!

So, hows my day? Sabi ko, di muna ako mag-eenglish kaso may mga bagay talagang mas madali ipaliwanag pag english kahit pa mali mali ako.. okay lang, di naman eto parang formal theme echos nung highschool o essay exam.. basta... ang dami ko namang sinabi.. kinukumusta ko lang yung araw ko..haha.. sanay ka nanaman sa pagiging o.a ko diba? Buti na lang talaga di ka pwedeng magreklamo...

So eto! Explain ko pa ba tong kahibangang to..

I was with lee most of the time today, wala kase si marj... mula lunch break hanggang dinner... buti di ako pinagseselosan nung girlfriend daw nya! Haha.. peace lee! Di mo naman nababasa to.. haha.... pero nung sinabi ni lee na may girlfriend na sya... ang saya ko para sa kanya! Promise.. i hope he's really happy being in that relationship.. everybody deserves a happy love story... except ata sa aken.. haha.. hayst..

Anyway, whats gotten to my mind, tama si lee, ano nga bang nakain ko at nakaflowerettes ako.. sabi ni mac, pwede daw ba syang pumitas ng bulakalak sa damit ko, bibigay lang nya sa girlfriend nya! Haha.. bakit nga ba? Its so not me.. or maybe its the real me... the baduy sa ever! Haha

Spaghetti! Wala lang gusto ko lang ng spaghetti.. sabi ko kay lee, magluluto ako ng spaghetti.. sabi nya.. "weh? Sinasabi mo lang yan, pero di ka rin magluluto"..

When people think that you couldn't do a certain thing, that's when you'll strive harder to prove them that they are wrong... kaya ayun! Nagluto ako.. haha.. spaghetti lang, naging strive harder pa akong nalaman...  anong lasa?? Wag nyo na itanong kase di talaga ako marunong magluto.. trying hard lang.. haha.. tsk.. tsk.. tsk.. nakakalungkot naman..

Sana umulan naman dito.. sa ibang part ng Manila e umuulan daw, may mga yelo pa nga raw! Hahaha.. totoo kaya yun? Bakit kaya dito sa place ko wala.. alam naman natin na gustong gustong kong umuulan kapag nasa bahay lang ako ... kase emoterang froglet ako! Hahaha

E teka! Yung isang larawan, ako  ulit.. matutulog na lang.. nagseselfie pa.. haha.. siguro kase pag pangit ka mahilig ka talagang magselfie noh??  Gusto mo kase papaniwalain yung sarili mo na di ka pangit... pero ang totoo, tanggapin na lang natin ang mapait na katotohanan! Hahaha... nababaliw nanaman ako.

o xa, Good night na! Good night sayo... Good night  sa kanya.. Good night sa kanila!

Zzzzzzzzzz....


1 comment:

  1. just saw this post from 6 years ago.. at naiirita ako.. bat ko napost yan.. pati yung mukha ko annoying din... buburahin ko ba to? hindi naman kase ano natutuwa.. pero sige nga nga. jan na lang sya.

    ReplyDelete